Lahat ng pauwing overseas Filipinos, kailangan pa ring sumailalim sa mandatory quarantine

Nagbigay-linaw ang Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs hinggil sa naunang anunsiyo ukol sa home quarantine sa mga pauwing overseas Filipino sa Pilipinas.

Unang sinabi na ng task group na ang OFWs, Filipino seafarers at overseas Filipinos na darating sa NAIA simula sa June 1 ay sasailalim na lamang sa home quarantine matapos makuhanan ng swab test.

Sa inilabas na bagong anunsiyo, inabisuhan ang lahat ng repatriated OFWs at non-OFWs na kailangang sumailalim sa mandatory quarantine sa quarantine facility o hotel na accredited ng Bureau of Quarantine.

“Please be advised that all repatriated OFWs and non-OFWs are required to undergo mandatory quarantine in any government quarantine facility or hotel accredited by the Bureau of Quarantine, until they receive their RT-PCR test results proving them to be negative for COVID-19,” pahayag ng task group.

“Please disregard all previous announcements regarding home quarantine for returning OFWs or non-OFWs,” dagdag pa nito.

Read more...