Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang June 1, umakyat na sa 5,218 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,709 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nadagdagan naman ng 16 ang bilang ng gumaling kung kaya 2,167 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, umakyat naman sa 342 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa rinh naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,252 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 821 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 656 naman ang kaso sa Americas at 489 sa Asia Pacific Region.