Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.05 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (June 1) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.05 meters.

Nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.82 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.85 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.47 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.41 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga at San Roque dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Pantabangan, Magat at Caliraya dams.

Read more...