Ayon sa Department of Education (DepEd) ‘remote enrollment’ ang iiral mula June 1 hanggang 30.
Nangangahulugan ito na hindi kinakailangang pisikal na magpunta ng mga magulang sa paaralan.
Ang mga adviser ng mga bata para sa nagdaang school year ay makikipag-ugnayan sa mga magulang sa pamamagitan sa ng text o tawag sa cellphone.
May mga enrollment focal person (EFP) din na tatanggap ng tawag at sasagot sa katanungan ng Kindergarten, transferees, Balik-Aral, at ALS learners.
Kung may katanungan tungkol sa enrollment at pagbubukas ng klase, maaari ding tumawag sa DepEd Public Assistance Command Center.
Maaari ring bisitahin ang https://deped.gov.ph/obe-be para sa iba pang katanungan.