Mga Pinoy sa Amerika pinag-iingat dahil sa mga nagaganap na protesta

Nagpalabas ng abiso ang konsulada ng Pilipinas sa Los Angeles sa mga Pinoy na naninirahan doon.

Sa abiso ng konsulada, pinayuhan ang mga Pinoy at Filipino-Americans na maging maingat dahil sa mga nangyayaring protesta sa lansangan.

Sinabihan ang mga Pinoy na sumunod sa ipinatutupad na curfews at iba pang security measures.

Dapat ding iwasan ang mga lugar na mayroong nangyayaring kaguluhan.

Sa ngayon sinabi ng konsulada na ligtas naman ang mga Pinoy sa lugar.

 

 

 

Read more...