Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 281

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Linggo, May 31) , nasa 281 na ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kung saan 1 ang bagong bilang ng nadagdag habang 137 ang active cases.

Nanatili naman sa 69 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 487.

Samantala, nasa 52 ang bilang ng probable habang nasa 740 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...