MRT, LRT at PNR balik biyahe na ngayong araw

Matapos ang mahigit dalawang buwan na walang biyahe, balik na sa operasyon ang mga tren ng MRT, LRT at PNR ngayong araw.

Sa abiso ng MRT-3 alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, June 1 mayroon itong 16 tren na available. Tatlo dito ay ang mga Dalian trains.

Mahigpit naman ang safety protocol na ipinatutupad sa MRT-3 stations.

May security guard na nakasakay sa bawat train set para masigurong kontrolado ang dami ng pasahero.

Nagbukas na rin ng operasyon ang LRT-2.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2 pinapayagan nilang sumakay ang mga pasahero na mayroong folding bikes.

Alas 4:30 ng umaga naman nang magbukas na rin ang LRT-1 at magsimulang bumiyahe ang kanilang mga tren.

Ang mga tren ng Philippine National Railways balik-biyahe na rin simula ngayong araw.

Limitadong pasahero lang din ang maaring sumakay sa mga tren ng PNR.

Para sa kanilang 8000 Series Trains, 148 na pasahero lamang ang maaring sumakay.

212 na pasahero naman para sa 8100 Series Trains at 163 na pasahero para sa DMU Rotem Trains.

 

 

Read more...