Dating Sen. Ramon Revilla Sr., isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga

FILE PHOTO

Dinala sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

Nilapatan muna ng first aid sa St. Dominic Medical Center sa Bacoor City ang dating senador bago dinala sa St. Luke’s.

Ayon sa kaniyang anak na si Sen. Ramon Revilla Jr., mas maayos na ang kondisyon ngayon ng kaniyang ama.

Nakaranas aniya ng hirap sa paghinga ang kaniyang at dumating sa punto na naging ‘unresponsive’ ito.

Nagpasalamat naman ang pamilya Revilla sa mga nagdarasal at nagpaabot ng pag-aalala sa nakatatandang Revilla.

 

 

Read more...