Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.3 at 3.6 na lindol

Dalawang beses niyanig ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.3 na pagyanig sa 169 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, alas-3:42 madaling araw ng Lunes (June 1) at may lalim na 72 kilometers.

Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.6 na lindol sa 374 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani alas-4:12 ng madaling araw at may lalim na 52 kilometers.

Tectonic ang origin ng mga pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...