Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Valenzuela City, umabot na sa 284

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Valenzuela.

Base sa huling datos ng lungsod ng Valenzuela, umabot na sa 284 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lugar.

Umabot naman sa 146 ang bilang ng mga active cases.

Tumaas ang bilang ng mga naka-recover sa virus na umabot na sa 125.

Nanatili naman ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa lungsod sa 13.

Read more...