Liquor ban sa Antipolo City, inalis na

Inalis na ang pagpapatupad ng liquor ban sa Antipolo City.

Ayon sa Antipolo City government, maaari nang magbenta at uminom ng nakakalasing na inumin sa lungsod simula sa June 1.

Ngunit paalala ng Antipolo City LGU, tanging ang quarantine pass holders lamang ang maaaring bumili.

Hindi pa rin papagayan ang pag-inom sa mga pampublikong lugar.

Alinsunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID), bawal pa rin ang pagtitipon nang may mahigit 10 pataas sa ilalim ng general community quarantine.

Sinumang lumabag dito ay mapapatawan ng karampatang parusa.

Kabilang ang Region 4A Calabarzon sa mga lugar na isasailalim na sa general community quarantine simula sa June 1.

Read more...