Ilang lugar sa Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Asahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Sa thunderstorm advisory bandang 3:05 ng hapon, iiral ang moderate to heavy rainshowers na may kidlat at malakas na hangin sa Tarlac, Pampanga, Cavite, Laguna at Batangas.

Maaapektuhan din nito ang Botolan, Masinloc at Palauig sa Zambales.

Sinabi ng PAGASA na iiral ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.

Dahil dito, payo ng weather bureau, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.

Read more...