Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 5:36 ng hapon ng Biyernes, May 29 heavy hanggang intense na pag-ulan ang nararanasan sa Pasig at Taguig.
Gayundin sa Cainta, Taytay, Angono, Binangonan, Teresa, Morong, San Mateo at Rodriguez sa Rizal; San Pedro at Binan sa Laguna; Dasmarinas at General Mariano Alvares sa Cavite; Laurel, Batangas; General Nakar, Tayabas, Lucban, Atinoman, at Pagbilao sa Quezon; San Clemente, Camiling, Santa Ignacia, Paniqui, Gerona, PUra, San Jose, Tarlac City, Concepcion, Victoria, at Ramos sa Tarlac; at Guimba sa Nueva Ecija.
Sa susunod na mga oras ay makararanas na rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Zambales, Pampanga, Bulacan at Bataan.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.