Lightning Red Alert itinaas sa NAIA

Nagpalabas ng lightning advisory ang PAGASA sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Alas 4:30 ng hapon ng Biyernes, May 29 ay Lightning Red Alert ang nakataas sa NAIA.

Nangangahulugan ito ng suspensyon ng airport operations para sa kaligtasan ng mga crew ng paliparan.

Nakaranas kasi ng malakas na buhos ng ulan sa bahagi ng NAIA na may kasamang pagkulog at pagkidlat.

Alas 4:52 naman ng hapon nang ibaba na sa yellow ang lightning advisory sa NAIA at maibalik sa normal ang operasyon.

 

 

 

 

 

Read more...