Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,500

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Biyernes (May 29, 3:00 PM) pumalo na sa 1,500 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 25 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 334
Laguna – 438
Batangas – 193
Rizal – 438
Quezon – 97

Nasa 784 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 51 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 112
Laguna – 302
Batangas – 104
Rizal – 198
Quezon – 68

Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya umabot na sa 156 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 29
Laguna – 35
Batangas – 24
Rizal – 60
Quezon – 8

 

 

Read more...