Palimbang, Sultan Kudarat niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

(UPDATE) Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Palimbang sa Sultan Kudarat.

Naitala ang pagyanig alas 4:05 ng hapon ng Biyernes, May 29 sa layong 58 kilometers Southwest ng Palimbang.

May lalim na 30 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa General Santos City; Tupi, South Cotabato; at sa Alabel at Kiamba, Sarangani.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

Read more...