Umuwing OFW kabilang sa limang bagong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas

Kabilang ang isang umuwing Overseas Filipino Worker (OFW) sa Hilongos, Leyte sa limang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Eastern Visayas.

Dahil sa naitalang limang bagong kaso, umakyat na sa 36 ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Si Patient EV 36 ay isang 31 anyos na OFW na nagtatrabaho sa a cruise ship at dumating sa Daniel Z. Romualdez Airport noong Lunes, May 25.

Ayon sa DOH Region 8 asymptomatic ang OFW ay naka-isolate na sa local isolation facility.

Nakikipag-ugnayan na ang surveillance team ng DOH Region 8 sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.

 

 

Read more...