Ayon kay Ret. Col. Atanacio Macalan Jr., head ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office o PDRRMO, inatasan siya ni Cagayan Governor Manuel Mamba na pangasiwaan ang programang maghahatid naman ng mga locally stranded individuals o LSI sa Cagayan patungo sa kani-kanilang probinsiya o lokalidad.
“Kung tatanggap tayo at susundo ng mga kababayan nating darating mula Manila ay maari din tayong maghatid ng mga stranded dito sa ating pabalik ng Manila,” ayon kay Col. Macalan.
Ang mga aalis ay isasabay ng mga bus na papuntang Manila at ibaba sila sa designated terminal.
Para sa mga nais mag-apply kailangang tumawag o mag-text sa hotline na 09068483875.
Bawat aplikante ay dapat sumunod sa protocol na isinaad ng National IATF, kabilang ang pagkuha ng
medical clearance o health certificate mula sa mga MHO o CHO ng kanilang bayan at siyudad dito sa Cagayan at Travel Authority mula sa Regional Command ng PNP.