Heavy to intense rains nararanasan sa Metro Manila, mga kalapit na lalawigan ayon sa PAGASA

Heavy to intense rains ang nararanasan sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas ala 3:29 ng hapon ng Biyernes, May 29 malakas na buhos ng ulan na ang nararanasan sa Quezon City, Marikina, Caloocan, Valenzuela, Malabon, Navotas at Maynila.

Ganito rin ang lagay ng panahon na nararanasan sa mga bayan ng Mayantoc, San Jose at Bamban sa Tarlac; Cabiao, Nueva Ecija; Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, Castillejos, at San Antonio sa Zambales; Candaba, Pampanga; Dona Remedios Trinidad, San Ildefonso, Bustos, Pandi, Meycauayan, Santa Maria, Obando, Guiguinto at Balagtas sa Bulacan; Tuy, Laurel at Lemery sa Batangas; Calamba at Binan sa Laguna; at sa Tagkawayan, Quezon.

Sa mga susunod na oras naman, makararanas na rin ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bataan at Rizal.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

Read more...