Cyber attack sa twitter account ng PLDT iniimbestigahan na ng PNP

Iniimbestigahan na ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP – ACG) ang pag-atake ng hacker sa Twitter account ng PLTD customer service kahapon, Mat 28.

Sa online press briefing ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa mga susunod na araw maaring mailabas na ang inisyal na resulta ng imbestigasyon.

Kahapon ay inatake ng hacker ang Twitter account ng PLDT na @PLDT Cares.

Pinalitan ng hacker ang Twitter handle nito at ginawang PLDT Doesn’t Care.

Ang nasabing account ay mayroong 100,000 followers.

Nagsagawa na rin ng imbestigasyon ang PLDT sa insidente.

 

 

Read more...