Grupong PISTON umapelang payagan na ang pagbiyahe ng mga jeep

Kinondena ng grupong PISTON ang pasya ng pamahalaan na tanging ang mga modern jeepneys lamang ang payagang makabalik sa biyahe sa pag-iral ng general community quarantine sa Metro Manila.

Sa pahayag ng grupo, dalawang buwan at kalahati nang walang kita ang mga driver ng jeep.

Umaasa umano ang mga tsuper na makababalik na sila sa biyahe sa sandaling umiral na ang GCQ.

Gayunman, tanging ang mga modern jeepneys lamang ang maaring makabalik sa biyahe base sa guidelines ng LTFRB.

Kaugnay nito, umapela ang PISTON ng ‘sabayang pagbusina’ sa Lunes, June 1.

Ito ay bilang pag-apela sa gobyerno upang payagan na makabalik pasada ang mga pampasaherong jeep.

 

 

Read more...