Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), umabot na sa 15,591 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.
Sa nasabing bilang, 3,921 ang naihatid by land, 8,457 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula May 25 hanggang May 28.
Habang 3,213 naman ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko mula April 27 hanggang May 28.
Ngayong araw at sa mga susunod pang araw ay magpapatuloy ang pagpapauwi sa mga OFW na nakatapos na ng quarantine at nag-negatibo sa COVID-19.
Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.