Ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro kasama ang iba pang lalawigan sa Region 4-B ay sasailalim na sa modified GCQ simula sa Lunes base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero nais ng pamahalang bayan ng Lubang na manatili sa GCQ status ang kanilang bayan.
Ayon sa Lubang LGU, hindi pa sapat ang kanilang medical facilities sakaling magkaroon ng positive cases ng COVID-19.
Hindi rin sapat ang bilang ng kanilang health centers, ospital at maging medical professionals.
Inaasahan din ang pagdagsa na sa Lubang ng mga residente nilang na-stranded sa Metro Manila at iba pang lugar kaya kailangang mas doble ang pag-iingat.