Magkakasunod na volcanic-tectonic na pagyanig naitala sa Batangas

(UPDATE) Nakapagtala ng tatlong magkakasunod na volcanic-tectonic na pagyanig sa lalawigan ng Batangas.

Unang naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa bayan ng San Luis sa Batangas alas 8:09 ng umaga ngayong Biyernes (May 29).

Ang epicenter nito ay naitala sa layong 55 kilometers southwest ng San Luis.

Naitala naman ang Intensity II sa Taal, Batangas.

Alas 8:14 ng umaga ay nakapagtala naman ng magnitude 3.2 na pagyanig sa 10 kilometers southwest ng bayan pa rin ng San Luis.

2 kilometers lang ang lalim ng ikalawang pagyanig.

Sa ikalawang pagyanig ay naitala ang Intensity II sa San Luis at San Nicolas, Batangas.

At alas 8:30 ng umaga ay naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa bayan pa rin ng San Luis.

Sa ikatlong pagyanig ay nakapagtala ng Intensity II sa Taal, Batangas at Instrumental Intensity I sa Calatagan, Batangas at sa Tagaytay City.

Ayon sa Phivolcs, pawang volcanic-tectonic ang origin ng magkakasunod na lindol.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

 

 

 

Read more...