120 pang Pinoy seafarers dumating sa bansa galing Portugal

Mayroong 120 pang Filipino seafarers na napauwi sa bansa mula sa Portugal.

Ang mga umuwing Pinoy ay pawang crew ng MV Star Pride mula sa Lisbon, Portugal.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) umabot na sa mahigit 20,000 sea-based OFWs ang naisailalim sa repatriation mula nang magkaroon ng problema sa COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kahapon, may mga napauwing OFWs mula Europe, Americas, at Southeast Asia.

 

 

Read more...