PNR handa na ring magbalik-biyahe sa Lunes

Sa pagsasailalim ng Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa general community quarantine simula sa Lunes, June 1 ay handa na rin ang Philippine National Railways (PNR).

Sa pagbabalik ng operasyon, gagamitin na ng PNR ang mga bagong biling tren.

Habang walang biyahe nagsagawa ng paglilinis at disinfection sa mga tren.

Bumili din ng Hand Washing sink ang PNR at ilalagay ito sa mga istasyon ng tren.

Tiniyak ng PNR ang pagpapatupad ng health protocols sa mga tren at palagian nitong pagsasailalim sa disinfection.

 

 

 

 

Read more...