Southwesterly Windflow at Easterlies umiiral pa rin sa malaking bahagi ng bansa

Dalawang weather systems pa rin ang nakakaapekto sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw ng Biyernes (May 29).

Ayon sa 4AM weather forecast ng PAGASA, sinabi ni weather specialist Samuel Duran na Southwesterly Windflow ang umiiral sa bahagi ng extreme Northern Luzon habang Easterlies naman sa halos natitirang bahagi ng bansa.

May kaulapan din na nakikita sa bahagi ng Zamboanga Peninsula o sa bahagi ng Mindanao region na nagdudulot ng mga panandaliang pag-ulan.

Ayon kay Duran, mainit at maalinsangang panahon na may isolated rainshowers or thunderstorms lamang ang iiral sa bahagi ng Luzon ngayong araw.

Fair weather condition din na may pulo-pulong pagkidlat at pagkulog ang aasahan sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Walang nakataas na gail warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya maaaring maglayag ang mga mangingisda at mga may maliliit na sasakyang pandagat.

Samantala, wala namang binabantayang bagyo o anumang sama ng panahon sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

Read more...