Bilang ng pulis na tinamaan ng COVID-19, pumalo na sa 302

Nadagdagan pa ng apat ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa monitoring report hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (May 28), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 302 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Nasa 717 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 637 ang suspected cases.

Sinabi pa ng PNP na umakyat sa 149 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.

Nananatili pa rin sa apat ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.

Read more...