Ayon sa embahada, ito ay bunsod ng ipinatutupad na community quarantine measures ng Pilipinas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Magbabalik naman ang routine visa services sa lalong madaling panahon ngunit hindi pa sila makapagbigay ng petsa sa ngayon.
Maaaring magpa-reschedule ng visa interview ang mga apektadong aplikante kapag naialis na ang community quarantine sa Metro Manila.
Maaaring tumawag sa Embassy call center sa numerong +63 (2) 7792-8988 at +63 (2) 8548-8223.
Pwede ring gamitin ang kanilang online appointment system sa ustraveldocs.com/ph.
“There is no fee to change an appointment and visa application fees are valid for one year in the country where the fee was paid,” dagdag pa ng embahada.