Pagtaas ng kaso ng COVID-19, dulot ng case validation – DOH

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) ukol sa muling pagtaas ng mga napapaulat na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kada araw.

Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ito ay dulot ng isinasagawang pag-validate sa mga kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.

Bumuti aniya ang case validation capability sa bansa dahil sa pag-hire ng karagdagan pang encoders.

Bunsod nito, asahan pa aniyang sa mga darating na araw ay posibleng tumaas ang COVID-19 cases.

Sa datos ng DOH hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 28), umabot sa 539 ang bagong napaulat na COVID-19 case sa bansa sa nakalipas lamang na 24 oras.

Ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw.

Read more...