Ayon sa Department of Health Center for Health Development – Bicol, ito ay matapos ang pitong araw na walang naitatalang kaso ng nakakahawang sakit sa nasabing rehiyon.
Ang bagong COVID-19 patient ay isang 21-anyos na Filipinong babae mula sa Legazpi City, Albay.
Mayroon itong travel history mula sa Laguna at dumating sa Bicol noong May 22.
Sinabi ng DOH CHD-Bicol na asymptomatic ang pasyente at nakasailalim na sa quarantine.
Pinangunahan ng Legazpi City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang pagkuha ng swab sample mula sa pasyente.
Dahil dito, umakyat na sa 69 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Bicol.
MOST READ
LATEST STORIES