Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,475

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.

Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (May 28, 3:00 PM) pumalo na sa 1,475 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 23 na panibagong kaso.

Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 333
Laguna – 436
Batangas – 183
Rizal – 429
Quezon – 94

Nasa 733 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 6 na bagong recoveries.

Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 112
Laguna – 280
Batangas – 101
Rizal – 172
Quezon – 68

Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya umabot na sa 155 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.

Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 29
Laguna – 34
Batangas – 24
Rizal – 60
Quezon – 8

Read more...