Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Legazpi City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 46 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).
Naitala naman ang 45 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Science City of Muñoz.
45 degrees Celsius na heat index naman ang naitala sa Tuguegarao City alas-2:00 ng hapon
Samantala, 43 degrees Celsius naman ang naitala sa sumusunod na oras at lugar:
Calapan City (11:00 AM)
Maasin City (11:00AM)
Sangley Point, Cavite City (2:00PM)
Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.
Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.