Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 188

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Huwebes, May 28), pumalo na sa 188 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nanatili naman sa 21 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nanatili rin sa 91 ang bilang ng naka-recover na.

Ang bilang naman ng probable ay 10 habang siyam naman ang suspected.

Read more...