Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 28), pumalo na sa 15,588 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 11,069 ang aktibong kaso ng pandemiya.
Ayon sa kagawaran, 539 ang bagong napaulat na COVID-19 cases sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bilang, 330 ay naitala sa National Capital Region (61 percent); 55 sa Region 7 (10 percent); 99 sa iba pang mga lugar (19 percent); at 55 repatriates (10 percent)
Nasa 17 pa ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 921 na.
Samantala, sinabi ng DOH na 92 naman ang gumaling pa sa nakakahawang sakit.
Bunsod nito, nasa 3,598 na ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.