Batay sa anunsiyo, sinabi ng Ministry of Health sa Singapore na nakapagtala ng karagdagang 373 na kaso hanggang 12:00, Huwebes ng tanghali (May 28).
Karamihan anila sa mga bagong kaso ay Work Permit holders na nakatira sa foreign worker dormitories.
Sinabi ng Ministry of Health na walang bagong naapektuhan ng pandemiya na Singaporean o permanent residents.
Sa ngayon, inaayos pa anila ang karagdagan pang detalye sa mga bagong kaso.
Sa kabuuan, pumalo na sa 33,249 ang confirmed COVID-19 cases sa Singapore.
MOST READ
LATEST STORIES