Ayon sa alkalde, layon nitong maserbisyuhan ang mga hinihinalang apektado ng COVID-19.
Sa ngayon, nasa apat na ang naitayong quarantine facility sa Maynila kabilang ang Delpan Quarantine Facility, Araullo High School, Tondo High School at T. Paez Elementary School.
Target ng Manila City government na makapagtayo pa ng walong karagdagang pasilidad sa lungsod.
“As of today, more or less about 170, 180. After today, 200 plus ang quarantine facilities,” pahayag ni Moreno.
Ginagamit aniya ang mga pasilidad sa mga pasyente na mayroong sintomas ng nakakahawang sakit at mga indibidwal na nakatakdang magpasuri at naghihintay ng swab test results.
“Kailangan na muna nating mailayo sila sa kanilang pamilya ang within their community area at mailayo rin sa kapahamakan for that time,” ani Moreno.
Kapag lumabas na positibo sa COVID-19, agad aniyang ililipat ang pasyente sa health care facility.
Hanggang May 27, umabot na sa 9,763 ang naisagawang swab test sa Maynila habang 58,269 naman ang rapid test.