Lalaking nag-akusa noon kay Sen. Panfilo Lacson naaresto sa Pasig

Inaresto ng mga otoridad sa Pasig City si Antonio Luis Marquez alyas Angelo “Ador” Mawanay.

Si Mawanay ang nasa likod ng mga akusasyon noon kay Senator Panfilo Lacson tungkol sa umano ay criminal activities ng senador noong siya ay PNP chief pa.

Dinakip si Mawanay ng mga tauhan ng PNP-CIDG sa Pasig dahil sa kasong estafa.

Siya ay may standing warrant of arrest na inilabas ni Judge Ma. Consejo Ignalaga, ng Regional Trial Court – 4th Judicial Region, Branch 100 sa Antipolo City noon pang June 27, 2017.

P40,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ni Mawanay.

 

Read more...