Ayon sa datos ng Department of Transportation (DOTr), noong May 25 at 27 umabot na sa 13,568 ang napauwing OFWs sa kanilang mga lalawigan.
Sa nasabing bilang, 3,285 ang naihatid by land, 7,191 ang bumiyahe sa pamamagitan ng eroplano at 3,092 ang bumiyahe sa pamamagitan ng barko.
Ngayong araw at sa mga susunod pang araw ay magpapatuloy ang pagpapauwi sa mga OFW na nakatapos na ng quarantine at nag-negatibo sa COVID-19.
Ang “Hatid Probinsya para sa mga OFWs” ay pinangungunahan ng DOTr, DOLE, OWWA, CAAP, PCG, DILG, PPA, OTS, MIAA, LTO at LTFRB.
MOST READ
LATEST STORIES