Apat na kandidato para sa bakanteng pwesto sa SC sasailalim sa online public interview ng JBC

Sasalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ngayong araw, May 28 ang apat na kandidato para sa bakanteng pwesto sa Korte Suprema.

Pero hindi gaya ng dati na face-to-face interview, online ang gagawing public interview ngayong araw.

Ito ay para sa gagawing pagpili ng JBC sa kung sino ang irerekomendang magiging bagong Supreme Court Associate Justice kapalit ng nagretirong si dating Associate Justice Andres B. Reyes, Jr..

Kabilang sa sasalang sa interview ay sina

1. Ramon M. Bato Jr.
2. Priscilla J. Baltazar-Padilla
3. Edwin D. Sorongon
4. Nina G. Antonio-Valenzuela

Maliban sa apat, mayroon pang siyam na kandidato sa pagiging bagong SC associate justice pero hindi na sila sasalang sa interview.

Valid pa kasi ang mga naunang interview sa kanila ng JBC.

Ang siyam pang kandidato ay sina:

Manuel M. Barrios
Amparo M. Cabotaje-Tang
Ramon A. Cruz
Japar B. Dimaampao
Jhosep Y. Lopez
Jose Midas P. Marquez
Eduardo B. Peralta, Jr.
Pablito A. Perez
Ricardo R. Rosario

May 11, 2020 nang magretiro sa pwesto si Justice Reyes.

 

 

 

 

Read more...