Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 120 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, alas-8:39 umaga ng Huwebes (May 28).

May lalim na 15 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...