Pangulong Duterte may public address mamayang gabi

May naka-schedule na public address si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, May 28.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang public address ng pangulo ay mamayang gabi.

Iaanunsyo aniya ng pangulo ang mga quarantine measure na ipatutupad pagkatapos ng May 31, 2020 na huling araw ng pag-iral ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila.

Base sa rekomendasyon ng IATF, ang Metro Manila ay sasailalim na sa GCQ simula sa June 1, 2020.

Tanging ang Cebu City na lang ang maiiwan sa modified ECQ.

Habang ang iba pang lugar na maituturing na low risk areas sa COVID-19 ay sasailalim sa modified GCQ.

 

 

 

Read more...