Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.38 meters alas-6:00 umaga ng Huwebes (May 28) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.49 meters.
Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.55 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 100.58 habang bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.31 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.28 meters.
Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga,Pantabangan at Magat dams.
MOST READ
LATEST STORIES