Coast Guard naglabas ng master list ng mahigit 36,000 na OFWs na nag-negatibo sa COVID-19

Inilabas ng Philippine Coast Guardn(PCG) ang master list ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nag-negatibo sa COVID-19.

Ayon sa coast guard, 36,832 na mga OFW ang makikita listahan.

Sila ay nag-negatibo sa RT-PCR test na isinagawa ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs.

Para ma-access ang marter list, i-click lamang ang link na ito https://bit.ly/36yAPfS

Kung ang pangalan ay makikita sa listahan, agad makipag-ugnayan sa mga tauhan ng Coast Guard at OWWA sa quarantine facilities kung saan namamalagi para maiproseso ang pag-uwi ng OFW sa kanilang lalawigan.

 

 

 

Read more...