Kaso ng COVID-19 sa QC 2,028 na

Umabot na sa 2,028 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.

Ayon sa datos, sa 2,028 na nakumpirmang mga kaso, 1,852 na pasyente ang tukoy na ang kumpletong address.

Habang 1,852 na kaso naman ang na-validate na ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit.

Mayroon namang 780 na pasyenteng naka-recover na sa sakit, habang 170 ang pumanaw.

Mayroon pang 1,054 na suspected COVID-19 cases sa lungsod.

 

 

Read more...