Global cases ng COVID-19 mahigit 5.7 million na

Umakyat na sa mahigit 5.7 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 356,000 ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 2.4 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 2.9 million pa ang aktibong kaso kung saan halos 53,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 86,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 4,400 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

Read more...