COVID-19 Special Teams pinabubuo sa mga lungsod sa NCR may high-risk barangays

Iniutos ng Inter Agency Task Force o IATF ang pagbuo ng COVID-19 Special Teams sa mga lungsod sa Metro Manila na mayroong high-risk barangays.

Sa Resolution No. 4 ng IATF, sa sandaling umiral na ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula sa June 1, 2020 ay dapat magkaroon ng COVID-19 Special Teams ang Quezon City, Maynila at Paranaque City.

Pinagbubuo din ng COVID-19 Special Teams ang Cebu City na simula sa June 1 ay sasailalim naman sa modified enhanced community quarantine.

Ang nasabing team ang magsasagawa ng surveillance at aksyon sa mga maituturing na high-risk barangays.

Maari pa rin kasing magpatupad ng lockdown sa mga barangay o bahagi ng barangay na matutukoy na may mataas na kaso ng COVID-19.

 

 

Read more...