Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Miyerkules (May 27, 3:00 PM) pumalo na sa 1,452 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 13 na panibagong kaso.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 323
Laguna – 433
Batangas – 181
Rizal – 426
Quezon – 89
Nasa 727 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 11 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 112
Laguna – 280
Batangas – 99
Rizal – 168
Quezon – 68
Nadagdagan ng dalawa ang nasawi kaya umabot na sa 152 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 29
Laguna – 34
Batangas – 23
Rizal – 60
Quezon – 8