Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 182

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO Facebook page (3:00 PM Miyerkules, May 27) , pumalo na sa 182 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nanatili naman sa 21 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 91 naman ang bilang ng naka-recover na.

Ang bilang naman ng probable ay walo habang siyam naman ang suspected.

Read more...