BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa higit 15,000

Mahigit 300 ang panibagong napaulat na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (May 27), sumampa na sa 15,049 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 10,639 ang aktibong kaso

Ayon sa kagawaran, 380 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Samantala, 18 ang nasawi pa kung kaya 904 na ang COVID-19 related deaths sa bansa.

94 naman ang bagong gumaling sa nasabing pandemya.

Bunsod nito, nasa 3,506 na ang total recoveries sa COVID-19 sa bansa.

Read more...